Archive for November, 2008

The Fun Just Keeps Coming Part 1

aah oo.

yan ang bagong kataga na umusbong sa aming biyahe pauwi kahapon. ang cute cute kase ni Stephen yan tuloy. :D anyway. eto nangyare kahapon.

maaga ako umalis nang bahay. mga 7 am pa lang ata eh wala na ako. merong happening sa school. ang graduation nang mga nagarawl sa Computer School-On-Wheels o C.O.W.

pag dating ko sa kanto. dumaan ang sasakyan nila Ms. Shiela. at kung sinuswerte ka nga naman. sinakay na nila ako. sa school din naman punta nila. ayun. nagkekwentuhan sila. Bernard pala ang name nang husband ni Ms Shiela. at tulad ni miss eh sa UP din apala si Mr Capellan nagaral (ata). nung napapalayo na kame nang onti. tinanong ako ni miss tungkol sa pinili kong course sa UP. sabe ko BAA (Business Ad. and Acct.) at BA (Business Ad.). tas yun. nagkwentuhan na sila tungkol sa unibersidad na pinasukan nila. ayun. nakakatuwa. ang cute nilang magasawa.

pagdating ko sa school eh sinalubong agad ako nang mga trabaho. binigyan ko na nang orders ang mga cadets ko. tapos naghanap ako nang prayers of the faithful para gamitin ko mamaya sa misa. sa awa ni God. nakahiram ako sa teachers na nasa faculty so yun good to go na ako.

during the mass. naiirita ako sa mga tao sa likod namen. ang dadaldal. pinapakita nila na minsan lang sila makasimba. hmm. at bawat me babaeng dumadaan kung makareact sila ay parang laging hapit. so kadiri ah.

after nang mass eh nagsimula na ang grap proper. amp. dame speakers. so umakyat muna ako para rignan kung ano grade ko. Top 1 pa din pala ako. at Top 1 na din si Sesaryo. akalain mo yun? parehong pareho kame nang average. 94.44% wow. panu kaya yun?

tas baba nanaman ako. tas me nagsasalita pa din. hinahanap ko si Myra na katabi ko sa mass. wala dun sa harap. so sinamahan ko muna si Sunshine(Janica). nag picture kame dito dyan. tas nung pagbalik ko sa taas. napagusapan na apala ang prom namen. official na. sa Renaissance Hotel na. ehehe. nice. pagbaba ko uli yun inaayos na nang mga cadets ko yung mga pagkaen para sa graduates. so after nung grad proper. ayun nag si siguran ang mga tao. ahaha. wawa naman kame. di nakakaen. grr.

ang sarap nang feeling na yung ginagawa ko ay kawang gawa. kaya nageenjoy ako kahet na nagsaasakripisyo ako. minsan naman talaga ganun eh. lahat naman tayo nagaganun minsan. gaano nga ba kadalas ang minsan? hmm.

weeew. dame ko ginawa. me part 2 pa ito. wait ka lang at nagugutom na ako.

Thank Your Stars All You Want But I’ll Always Be The Lucky One

fanes.

masaya tong araw na to. kase naayos ko na yung samen ni ano. oh diba. hmm. masakit lang pala ulo. at masama pakiramdam. kaya dapat me Biogesic lagi sa bulsa.

ayun. recitation na po nang Mi Ultimo Adios. hanggang 7 stanzas lamang ako at 1 linya sa 8th stana. so 72/100 ako na may plus 10 pala kaya naging 82/100 na equal sa 91%. oha. ok na yun. si Myra natapos lahat so si adik ay nakakuha nang 100% sa batch 9 at 11. wow. way to go girl! :D

after nun. tambay lang hanggang 12:30. so yun. Tekken muna. praktis ke Dragunov. wahaha.

tas pagkatapos eh nag sukatan na kami for the Montis FC jersey. yun. pilian nang numero tsaka.

dun nawasak si dodi.

naghahamunan kase kame sa isang palistuhan. edi enjoyan lang. dame na nameng nagbabalagtasan. tas nagsimula na yung mga tirahan sa mga kabarkada. eh najoke time si dodi. ayun. nadiin. nanahimik na lang. tas naawa kame. kase NANAHIMIK sya. akalain mo yun. SI dodi MANANAHIMIK. so alam namin na mabigat sa loob yun. kase naman. “BLANK”s love is not for you. awts.

anyway.

ayun after nang clubs wherein nagtakutan lang kame. ehehehe. pinagusapan namen yung babaeng nakita ni Nelson sa dressing room. dun sa may girl’s CR. isa daw itong babaeng naka baro at saya. di lang yun. nung di gumagana yung mic namen nung performance ay me nadinig daw ang isang guro na nagsasalita sa speakers. so yun. ktakot. lastly. nung naglilinis na si Sir Jaypee at Sir Benjo. ay tumutugtog daw ang musika nang bigla na lang itong tumunog sa background music na pang suspense. kase diba dapat may hang time pa yun pag me nagflick nang next. eh wala daw. as in bigla na lang tumugtog. oooh. creepy.

anyways madami talagang katatakutan sa eskwelahan namen. boo.

ayun. after nang clubs eh PL time na. flag signals ang pinagusapan namen.

after nun. tambay muli. tindahan. tapos. naglaro kame nang 3 6 9. sayang di natuloy yung game na naimbento ko. grrr. eto yung lyrics nun.(tonong busy apple.)

“jingle jingle jingle bell, sino malaki bilbel? basket basket basketball, sino makapal bulbol?”

wahaha. katuwa.

tas yun. naisip ko na ang swerte ko pala. kase dame ko kaibigan na andyan. tapos mahal ako nung babaeng me MPD. tapos pinagkakatiwalaan ako nang ilang tao. na nakakatuwa. ahaha. tas yun me pera na din pala ako pang Twilight bukas. oh yea. soya. :D tapos me bespren na pala akong gurl. matanung nga.

Baa Baa Black Sheep. Have You Any Wool?

waaa

wala akong maisip na title. isa lang kasi nasa isip ko ngayon. at yun ay sya.

hindi ko alam kung bakit ganto. minsan ok minsan hinde. kahit na pinipilit kong intindihin. di ko maintindihan minsan. bakit laging kailangan magalit. syempre pag galit ang isang tao ang instinct nang isang tao ay lumayo dun diba? kase pag andun ka lang maaasar ka lang. ang hirap din naman kase nang nasusungitan. masakit. pero pag lumayo naman ako. magugulat na lang ako at magagalit at lumayo ako. sorry kung nakakairita ako. pero i dont think its a strong enough reason to be mad. well. if you are really mad.

wala namang confrontation eh. may times lang na minsan ang cold cold niya.

minsan kahet na anong subok mong intindihin di mo talaga magets. hindi na ba ako ang nakakacomfort sa kanya tulad nang date? wag naman sana. minsan naiisip kong ako lang ang nagsasacrifice pero di totoo yun. marami din naman syang nasicrifice for me. di ko dapat iniisip yun.

baket kaya pag lalake ang nagsasalita.  sinasabe namin na kami ang laging umiintinde. pag babae naman ang nagsalita. lagi din naman nilang sinasabe na sila ang umiintinde. sino ba talaga?

di ako galit kahit kanino. di din masama ang loob ko. masakit lang isipin na baka di na ako yung hanap nya. wag naman sana. at sana ay di nya rin isipin na nagbabago ang nararamdaman ko. HINDING HINDI MAGBABAGO ANG NARARAMDAMAN KO. siya lang ang mahal ko.

lahat naman nadadaan sa maayos na usapan. sana pagusapan namin to. alam kong may mali din ako.

“sadyang ganyan ang buhay. hindi laging masarap. dumadaan din tayo lahat sa basang kalsada paminsan minsan. dito sa mga daan na ito dapat magingat at baka tayo ay madulas.”

Pictures Cause Bad Breath. Beware!

click!

grad pic namen today. grabe. pagdating pa lang nung ibang girls namen nakamakeup na. excited? wahaha. pagdating ni Ms Lolit. pinagayos na kame. ang mga lalake nagpulbos na at nagsibihis na. ahaha. me mga naghilamos. may mga nagwax. may nagpabango. (WTF?!) basta dame nagayos. ayos nga nang ayos wala namang maayos. panget na kung panget. :)

“ang magandang baboy. ay baboy pa din” – pastor

tas yun pinapababa na kame. nauna na makuhanan nang litrato yung ibang lalake. eh di pa pala namen time yun. teachers pa pala muna. so yun tambay muna us. intay intay lang.

picture picture muna. dame me dalang cam eh. ahaha. yun. pose dito. pose dun. kung sino sino na makasama. ahahaha. basta makapose lang. :)

pagtapos nung teachers. next na yung mga gurls. so yun. kame mga boys intay lang din. yun. nagpunta muna kame nang canteen. kaen kame. tas pagbalik. upo nanaman. tae. naglaro kame busy apple. wahahaha. di ako nataya. :)

tas yun boys na. tae ang baho daw nung hininga nung photog. pucha nung ako na. grabe. me sipon na ako amoy pa din. gumuguhit sa ilong eh! :) pero ok lang. natatakpan naman nung mga kabarkadang tumatawa sa pose mo yung amoy eh.

“straight body. ganyan lang ah kahet mangalay. yung leeg atras mo. malambot lang ang hawak sa cap. o ganyan lang ganyan lang, labas ang teeth! smile! ok nice”

ahaha. yan yung lagi sinasabe nun.’

after nun nagbihis ulit kame. class pic naman. amp. last na class pic na yun. me class pic pa ba sa college?

ahaha. ang saya. maayos kase. maayos yung wacky. walang tumumba. :)

save the best for last. lupit.

after nun lunch na. tas practice nanaman. pero ngayon maaga kame natapos so nakapag tindahan kame nang maaga aga. pagbalik namen. tambay mode. woo!

nung natapos na ang training nang mga girls. tsaka ilang experiment sa drums ni Bryce. bumaba na kame. nagtindahan naman yung mga babae. sunod kame. dagit fuds. :)

pagbalik. naglaro kame nang 3, 6, 9. ahaha. alam mo ba yun? ahaha. kung inde ganto mekaniks nun. magbibilang kayo sa bilog. pag may 3, 6, o 9 yung number mo. papalakpak ka. so yun. palistuhan! pag nataya, truth or dare. pag truth. tatanungin nang mga intrigang question. pag dare ang pinili nila. idadare namen silang magtruth. :)

inabot kame nang alas singko medya dun. grabe. sobrang tawanan yun. tae lang. :)

tapos hinatid kame nung erpats ni Stephen hanggang kanto.

nga pala. isang buwan na mula nung tinali ako. tied pa din. nice.

may mga goodbyes naman na masaya diba. ahaha. last na class pic na namin to. ahaha. nakakabilib na mag sasampung taon na pala mula nung makilala ko ang mga kupal na kasama ko hanggang ngayon. ahaha. so fast naman. kaasar. buti naman nasusulit namen ang time namen. lets make more memories.

Time Won’t Heal Everything

awww.

aga ko nagising today. 5:30 ata? tas yun. edi nagseremonyas na. tas nung maaga pa din. tulog uli. tas paggising uli. alis na. haha. pagdating ko bihis na nang pang P.E. tas yun. haha. kunwari nagbusybody ako sa math. inintindi ko nang kaunti tapos bumaba na ako sa gym. ang iksi talaga nang attention span nang Scorpio no?

pagbaba ko warm up. wow. warm up. nakanang keeper naman yun.

tas yun after ilang drills. game proper na. ahaha. me mga maayos akong laro tas me mga baboy din. tae nga eh. change is inevitable.

after nun kaen na. lunch na. adobo ulam ko. tas me itlog. hata kami ni Sam sa egg. eh natapon nya hati nya. poor korean.

bumaba ako sa canteen. andun ang barkada and Ludet. wala lang si Miles kasi time in. wala din si Bulan kase nag .. ewan. tas bumili ako C2. tas yun hingi sila. kwentuhan kame. simple lang. parang ang araw araw na ginagawa namen.

tas yun praktis nanaman for the play. me audience kaming teachers. magcocomment kasi sila after. yun. daming memories dun sa backstage. dun ako sinipa ni Janica nung grade 4 kasi akala nya rereypin ko sya. dun ako tinutukan ni Stephen nang “toot” nung Grade 5. dun kame huling nagdaang Grade 6 nung grad. uulit na pala yun sa march.

pagbaba ko punta ako sa tindahan. nagtindahan kame.

si Myra nagpapaturo pa din kay Tintin. grabe adik. effin Math

tas yun nagkwentuhan kame ni Anne. kinwento nya sakin kung bat sya badtrip. grabe. haha. Mi Ultimo Adios! lang nagtampo pa. woo. LQ.

ayun. tas nagforum kame sa may walkway. dame namen napagusapan. buhok sa katawan.tipong lalake at babae. mga top na maganda. etc.

tas mayamaya nag kwentuhan naman kame about sa past. kase nakita namen itsura namen nung 2nd year kame. ahaha. mga nene at totoy amp. tas yun. flashback na sa mga memories. mga inuman. mga swimming. mga birthday. mga party. basta lahat nang naalala namen. grabe. ilang taon na pala ang nakalipas. grr.

well. ganun talaga ang life. time flies ika nga ni Sesaryo. hai. hope we can walk.

maggoogoodbyes nanaman tayo mga kapatid. sana lang we had more time. kung bigyan man ako nang oras ni God para ulitin lahat yun. walang babaguhin. kase astig na tayo sa ganto.

madamdam man si Buddy. maarte man si Miles. sadista man si Stephen. makulit man si Justin. sabog man si Richard. mangmang man si Patrick. madaming mang sinasabe si Julius. la pa ding papalit sa kanila.

ganun talaga. kung kelan magtitime ka na. tsaka mo lang mapapansin na ang tagal nyo na palang magkakasama. sa araw araw kaseng ginawa nang Diyos. lage nagkikita. di mo talaga mapapansin. time flies when you are having fun. sana lang walang nasayang na minuto pag magkakasama tayo.

di naman sa madamdam. narerealize ko lang na ang bilis nang buhay. wag naten sayangin. have fun everytime we can. bawal KJ. kase ilang buwan na lang. maghihiwalayan na.

“pag nasayo pa. wala lang sayo. pero pag wala na. tsaka mo hinahanap. parang almanac. :)

She Still Loves Me In The Morning

forever and ever babe

sarap nang gising ko kanina. inubos ko na yung natirang garlic bread. pero irita ako kase nakakirita. so pagpasok ko nauna si Myra saken. ahaha. nagiritahan lang kame. ako naiirita ako kase deadma ako. (me IW kase). tas sya naman asar kase ang gulo ko. nagiingay. JAO MAPA! :)

so yun kinabahan ako. sorry naman ako sakanya. sabe ni Verna DND daw. so di muna. pero nagsorry na ako. tas next nung math na. di pa din ako pansin. so nagsulat ako sa eroplano nang sorry. tas me choi. nung pinalipad ko. tumama ke Shobe. ehehe. tas pag tingin skin ni Shobe. sinira nya yung eroplano. :) tawa na lang ako. pero binalik nya din saken. pero lukot na. so di ko na pinalipad. pinapasa ko na lang. tas pagbasa nya. tingin sya saken. wala lang. tas nung break na nagusap kame. inexplain ko sakanya kung bat ako badtrip. tas inexplain nya saken kung bat din sya asar.

pero di lang yun

sinabe nya saken me nagsabe daw sakanya na masyado daw kame mabilis. kase baka di pa daw kame sure or something like that. at baka mauwi lang sa wala. nagcacare sila ke myra. pero. parang paki nila? di nman nila alam yung nangyayare eh. kita lang nila ang PDA di ang TDA (True Display of Affection). kung sino ka man. pramis ko. di masasaktan si myra saken. di mo naman kase mapipigil ang pagmamahal. mabilis man o mabagal.

so much for that. dumaan ang araw. tas nagpraktis kame for “Obra Maestro” ang play namen sa TAG (Theatre Arts Guild). me bagong kwento dun. ang problema nya eh iniisip nya yung issue bago yung gusto nya. kung gusto mo talaga. wag ka magpapigil. normal lang ang kritisismo. lilipas din yan.

never hold back.

tas yun. tapos na praktis. naglaro kame nang chimpoy champok p***** manipis. :) bastos!

nagice cream kame sa labas. sarap nga. ai before pala nun sinundo ko si Myra sa canteen. nandun na sya kakaintay saken. :) as usual studying pa din. :) tas nagtinapay kame sa tindahan tsaka pa RC ako.

tas uwian na. kaway na lang ako sakanila.

sabe ko.

bye.

paguwi ko. OL agad. tapos eto.

alam nyo guys. kung love mo talaga. walang limitations. walang restrictions. walang distinctions. there is only RESPECT. basta nirerespeto mo.pero bahala na sila kung sa tingin nila nasa lugar. kanya kanyang perception yan

soya an nuy. daliktab ab? ahahah! :)

” kung gusto mo talaga. walang makakapigil sayo.  pag gusto mo tumae. papapigil ka ba? :)

Sunday Drivin’ Aint So Slow

bam

pagkagising ko ang sakit nang leeg ko. buti na lang di sya malala. muscle strain lang. pagod siguro. tsaka nahanginan nang masama. so yun. pagbangon ko sabe sken 8:30 daw kame magsimba. nung una ayaw ko pa. kase naisip ko na ang dami ko palang gagawin. eh naisip ko na mas importante si PAPA J kesa sa anu mang gpat kung gawin. kaya ayun naligo ako. tapos bihis. tapos alis.

sa SM taytay kame nagsimba. malapit kasi tsaka maayos magmisa dun. nung kalagitnaan nang misa napansin kong nandun pala sa kabilang part nang aisle sila Bernard Lacerna. grabe ganun pa di itsura. di din ata tumangkad. parang tumigas lang katawan. pero mabaet pa din. :)

nagpabili ako nang garlic toast ke mama. ten for P108 ayun. tas nung papunta na kame sa sasakyan. sabe ni mama lutuin ko daw yung carbonara. me natira pa daw na sauce. mag chop daw ako mushrooms etc. eh ang dami ko ngang iniisip e! so yun. tinamad ako.

sinimulan ko yung physics. tas pagdating sa math. boom. nakakawala nang momentum eh.

dun ako naaasar. pag di ko magets yung gagawin ko. kase pwede namang i explain e. diba para magkaintindihan kayo? pero minsan umaabot dun sa point na ang torpe pala nang mageexplain sayo. edi wala kayong naintindihan. kase naman. magpapatake home nang IW yung di pa maiintindihan. so ironic.

pero ganyan talaga ang buhay.pag di mo maintindihan edi magtanung ka. pag ayaw kang sagutin edi maghintay ka iexplain. pero pag di mo na kaya. maginquire ka sa iba. let go move on!

sa dame nang “gagawin” ko. natulog muna ako. nagising ako nang 5 pm. eh di ko na naluto carbonara. so sabe bumili na lang daw ako spag sa tropical. para terno sa garlic bread. lintek irita ako. napuwing pa ako. ang tagal bago ko natanggal. so nakakairita.

minsan para makuha ang gusto mo. kelangan mong masaktan. tiisin mo lang. kase pag nakuha mo naman. mawawala din ang sakit.

ang dami kong nalalaman no.

pero ayun. tas ngayon naman nangangamote nanaman ako sa math. nasasaktan na nga ako e.  :) ) akala ko petix ang linggo nakakastress din pala. grrr.

pero bat nga ba dapat relax pag linggo? hmm. nakasanayan na nang pinoy ano? kase araw nang panginoon ngayon. so dapat para sakanya lang. so PAPA J. pasa man o bagsak. thank you po. lahat mo nang maattain kong glory eh para sayo. :>

ehehehe.

“kinakaasaran nang tao ang mga bagay na di nya maintindihan… tignan mo ang math -anonymously me”



Blast From The Not So Distant Past

umikot ang mundo

nagpunta ako sa ateneo professionals school ngayon dahil sa aking kompetisyon sa imromptu speaking na tinatawag na Voice of the Youth ng mga rotarians. ayon, ang topic namen ay “The Challenge Faced by the Students during this Global Economic Meltdown”. grabe nung sinabe yun nakarelate ako kase totoo naman na apektado ako eh. masyado nga akong apekted. me mga naiisip ako na kaunti pero kung sa kwentuhan mdame ako masasabe. eh yung mga tao dun hindi tugma sa “kwento” ko. hehe. sayang naman. sinabe ko na lang na apektado kame ayun tas kung bkit tsaka anu gagawin ko. short nga ako sa minimum time pero di ko na pinahaba kase papanget lang spits ko. eh yung judges nga pala. isa chinese. isa pinoy. isa “khanaydsan” waha. yung mga iba ang gagaling. di ko nga akalain na isa ako dun sa mga nagsasalita dun. khet na naka coat and tie ako. di ako mukhang pang BUSINESS. haha. tawa na lang. di hamak naman na mas talentado ako dun (joke). ang problema lang di ako ganung ka open sa mundo. la ding training. petix. tsaka i was not born to be spokening dollar. i am a tagalog speaking person. so evaluate me!

tapos yun edi break na. ang sarap nang food.lasagna.embutido.garlic bread.cream puffs.tsaka ang all time favorite na iced tea. so ayun. tsaka after ko nga pala mag spits eh nag pa “hangin” muna ako sa labas. sabay ikot dun sa makati. ahaha. mukha akong businessman with all the coat and tie thing and stuff. kulang na lang atache case eh mukha na akong drug lord.

so uuwi na kame. ay oo nga pala. di lusot ang lola nyo. hanggang certificate of participation lang. ehehehe. masaya na ako dun kase libre nman. free lunch for me.

nung nasa daan na kame. kwentuhan us. tungkol sa kabataan ko. kabataan nang erpats ko. kase si Sir Kerwin (tama ba?), Chariza, at Myra ksama namen. ganun ksi si erpats bsta me makilala daldal agad. sila Tita Jinggay, Alvia at Isa eh umuwi na din. so yun lwentuhan kme. nakwento nya lahat. pati na ginawa ko nung bata, love story nila ni mama, buhay namen dati, kung bat sya tumigil magaral, kung bat di sya naninigarilyo at umiinom, kung bat mhilig sya sa manok, ang Marcos regime, school life nya, mga naging trabaho (ksama na dun yung nagtuturok nang tubig sa manok para bumigat), sasakyan nya date, story nang step bro and sis ko, kung taga san nuno nya, tungkol sa tita ko, tungkol sa pera nang tita ko, tungkol sa mga sasakyan nang tita ko, at tsaka kung panu dumiskarte sa buhay. feeling ko nga kung me reaction paper dun sa kwento nya. minimun of 10 000 words ang kelangan. mula hulo hanggang apare eh nakwento na ata. pero ok lang. di na nagradio at least tipid sa baterya. (speaking of sasakyan di namen nagamit school service. awww. so sasakyan nmen na sira ang aircon ang nagamet)

hinatid nmen sila isaisa. mula valley view phase 1. hanggang lores plaza. hanggang robinsons yun ah door to door pa. parang pila nang tricycle no :>. tas yun bumili kame ulam. nagkwentuhan kame ni papa tungkol sa mga tamad kong kapatid na walang ginagawa para umusad. hai. bahala na kyo kung sino isipin nyo sa mga kapatid ko. basta yung mataba.  anyway tas sabay tanung erpats ko tungkol ke myra. kame ba daw? sabe ko inde. . . (pause). . . kase bawal sya. tas sabe nya ok lang yun basta sbhin mo saken. natuwa naman ako. akala ko sa TV lang yung mga bonding na ganun. nangyayare din pala sa buhay ko.

kahet na ilang beses mo subukang takasan ang nakaraan ay di mo magagawa at baka maging mahal mo pa sila. may mga bagay na di nagbabago. may mga bagay kang natutunan sa karanasan. basta laging tandaan ang taong di marunong lumingon sa pinanggalingan ay walang mapupuntahan. (logically speaking di totoo yun eh). ahaha. ikaw? makinig ka din kaya sa nakaraan mo. malay mo.

“malalaman mo kung sino ka bang talaga pag nalaman mo kung san ka nagmula.” -rudolf

.simula

.hmmm, mas madali kesa sa blogger .peace blogger!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.